Kung ang nasa litrato na ito ay hilig nyo bisitahin nyo ang Dahilayan Adventure Zone na matatagpuan sa Manolo Fortich, Bukidnon.
Halos lahat na tao pupunta dito ay mag "zip-lining". Kung tanungin nyo ako kung nakazipline ba ako, ang aking sagot ay "oo" pero hindi ang "superman" style. Nag enjoy din akong mag zipline na naka upo. Kaso lang wala akong kasabay dahil sa timbang ko hindi pwede tig-dadalawa. =) Merong isang kasama na nag komento na "na miss ko raw kalahati na ng aking buhay" dahil di ako nag superman zip -- sabi ko, no problem. Meron pang next time.
Alam ko dapat ko lang tinalo ang aking takot pero alam ko rin na yong sitting down style pa lang ang kakayanin ko. Meron kasi akong fear of heights. Si KC Conception merong fear of heights din pero alam kung ginawa nya lahat ang mga adventures na nasa litrato. Eh hindi naman ako si KC eh. Magka iba iba ang tao. Mabuti nalang ang timbang ko ay qualified pa sa required na timbang -kaya nag zip din ako. Alam ko walang nabawas sa aking buhay dahil naka pag zip pa rin naman ako.
Kumusta kaya ang iyong timbang? Papasok ka ba sa kailangan na timbang para kay maka zip?

Photos for:
1 comment:
ay gustong gawin ito. hindi pa ako nakaka-experience ng ganito.
maligayang LP.
Post a Comment