Sana sana sana
Labing-tatlong taon na ang nakalipas, di na kami muling nag-usap tungkol sa aming mga pangarap o mga plano. Pero siguro isang araw mangyari din yan. Di ako nawalan ng pag-asa. Isa yan sa mga importante ko na pangarap na mangyari para meron din akong "closure" nam tawag nila.
Ako'y nag-asawa at kahit hiwalay na di pa naman legal. Siya ay nag-asawa na rin noong isang taon lang. Pareho na kaming hindi na pwede sa isa't isa pero positibo ako na magkita pa kami isang araw at kwento namin ang buhay na aming pinalagpas na sana naging kami pa rin at masaya nag-sama sama kasama ng aming anak.
Bago ako tuluyan malungkot, heto ang mga litrato na mag nag mag representar sa tao na aking na alala ngayon.

Si "the one who got away" ay nakahawak na sa paa na ito
pero noong napakamunti pa ang paa na yan.
Ngayon labing-tatlong taon na yan si paa
pero di ko alam kung kelan nya ulit sila makita ang makausap
ang may-ari sa paa na yan.
isang bata
babae
ang prinsesa ng aking puso :)
as a woman
I will never stop hoping. =)
MALIGAYANG HUWEBES SA LAHAT!









