Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, June 2, 2011

LP - Panglinis (Cleaner)

Ang mga piraso na tela na ito ang panglinis ng aking mga eyeglasses. Sigurado ako na meron din kayo nito. Maganda ang planela na panglinis ng glasswares dahil ito ay hindi magaspang.

Maligayang Huwebes sa lahat!



Photo for:


Wednesday, May 4, 2011

LP - Kalye



Noong isang Linggo, kami ng aking anak ay bumisita ng ilang lugar sa cyudad ng Cebu. Pagkatapos nga aming almusal, ang una namin na pinuntahan ay ang templo ng mga Insik (Toaist Temple) sa banda Beverly Hills.

Maganda ang kalye paakyat sa lugar. Di ko inakala na medyo akyatin pala ang lugar. Simula pagbaba namin ng sasakyan, dapat na kaming umakyat sa kalye na ito patungo sa entrance ng templo.

Hindi na kami umabot sa layo nyan kaya minsan inisip ko kung maganda ba doon sa may unahan. Di ko naman nakita noong umakyat na kami sa pinakataas ng level ng templo.

Hindi magulo ang kalye masarap sya na lugar para mag ehersisyo.




Photo for:


Friday, March 4, 2011

LP - Bughaw (Blue)



Minsan ako ay nagtaka kung bakit napakablue ang swimming pool at ang tubig ay spring water or tap water lang. Pero nalaman ko rin na ito ay naging blue dahil ang pool ay pinintahan ng kulay bughaw.

Ang aking lahok ay isa sa mga pools ng Timoga Spring Pools. Binisita namin ang lugar noong meron kaming bisita na galing Luzon. Hindi kami naligo. Tumingin lang sila sa lugar at nagpa-picture. Pinili nila yong pool na napakalayo sa kalsada. Okey lang sana kung hindi mataas na lugar kaya di na ako sumama sa grupo papunta sa Olympic size na Mimar's pool.



Photo for:


Thursday, February 10, 2011

LP- Ala-ala

Ang nasa isip ko tapos ko makita ang tema ay "siya." Iyong tinatawag nga "The one who got away." Mga ala-ala ko sa kanya ay magdulot ng ngiti sa aking labi at magdulot din ng kurot sa aking dibdib. Di ko mai detalye kung paano natuloyan ang paghiwalay ng aming landas dahil meron sana mga panahon na pwede ko sya puntahan at pwede rin nya akong hanapin dahil nakatira lang kami sa isang lugar na may di kalayoan ang distansya. Iyan ang dahilan kung bakit ko say tinag ng "the one who got away" kasi pwede sana kaming mag effort na hanapin ang isa't isa.

Sa ngayon inisip ko pa rin kung bakit di ko nagawa sumakay ng bus papunta ng Cavite. Bakit di ko sya hinanap ng malapit kami magkatagpo sa dietary ng Manila Sanitarium and Hospital. Sabi noong nakakita, minuto lang daw ang ligas ng umalis sya at saka man ako dumating.

Sana sana sana

Labing-tatlong taon na ang nakalipas, di na kami muling nag-usap tungkol sa aming mga pangarap o mga plano. Pero siguro isang araw mangyari din yan. Di ako nawalan ng pag-asa. Isa yan sa mga importante ko na pangarap na mangyari para meron din akong "closure" nam tawag nila.

Ako'y nag-asawa at kahit hiwalay na di pa naman legal. Siya ay nag-asawa na rin noong isang taon lang. Pareho na kaming hindi na pwede sa isa't isa pero positibo ako na magkita pa kami isang araw at kwento namin ang buhay na aming pinalagpas na sana naging kami pa rin at masaya nag-sama sama kasama ng aming anak.

Bago ako tuluyan malungkot, heto ang mga litrato na mag nag mag representar sa tao na aking na alala ngayon.

isang panahon
isang lugar
isang isla
isang lighthouse
ay magdulot na masaya na alaala



Si "the one who got away" ay nakahawak na sa paa na ito
pero noong napakamunti pa ang paa na yan.
Ngayon labing-tatlong taon na yan si paa
pero di ko alam kung kelan nya ulit sila makita ang makausap
ang may-ari sa paa na yan.

isang bata
babae
ang prinsesa ng aking puso :)


As a mom
as a woman
I will never stop hoping. =)

MALIGAYANG HUWEBES SA LAHAT!


Photos for:


Thursday, February 3, 2011

LP - Kaarawan (Birthday)

Maligayang Huwebes sa lahat!

Maligayang Kaarawan din sa mga may kaarawan ngayon na araw.

Noong maliit pa ang aking anak na babae, inisip nya pag makakita sya ng ballon merong may kaarawan. Akala nya nya na pag merong magdiwang ng kaarawan merong ballon. Siguro yon ang nakita nya sa kanyang sariling birthday celebration.

Ako naman, ang kaarawan ng isang bata ay napakasaya at makulay. Dahil sa mga makulay na ballons, makulay na palaruan, makulay ng mga gamit pang selebrasyon.

Heto ang aking pamangkin noong ika una nya na kaarawan. Ang bilis nga panahon dahil sa sunod na buwan maging 2 years old na siya.


Heto ang kanyang cake.


Pinaalala ng aking kapatid sa akin na birthday na naman ni Gab sa March 9 at ang ibig sabihin ng paalala ay donation na cake o maghanap ng mag donate nga cake. wehehhe! Buti pa sila merong mag donate. lol!



Photos for:


Thursday, January 27, 2011

LP - Malambot

Mga pagkain na masarap at malambot. yummmm

Dalawang klase ito at kung ako lang isa kakain nyan lahat, sigurado sa ER and hantungan ko. Kaya pick your share!

Lahat yan ay uber ng sarap.

Maligayang Huwebes sa inyo!








Photos for:


Wednesday, January 19, 2011

LP - Malamig - Cold




Isa ito sa mga paborito ko na pagkain sa Pilipino. Isa ito sa mga desserts na inihanda kung merong okasyon at ito ay pinakamasarap kung ito ay siniserve na malamig pero hindi yelo. Sino sa inyo dyan and hindi mahilig kumain sa Maja? Kung love mo ang maja hali ka luto tayo!

~~~

Maja Blanca is one of my favorite Filipino food. This is one of the desserts commonly prepared in any gatherings or occasions. Best served when chilled or cold but not frozen or iced. Who among you do not love Maja? If you love this, come and help me cook!




A Photo for:


i

Friday, January 7, 2011

LP - Paboritong Laruan


Sa edad ko ngayon wala na akong paboritong laruan na kagaya sa linalaro ng mga maliliit na mga bata. Kaya ang litrato na lahok ko ay isang simbolo sa isang paborito kung ginagawa o siguro ito ang pinaka paborito ko na ginagawa kahit anong oras ng araw. Pag ako nag lilitrato para na rin akong naglalaro ng aking pinakapaborito na laruan.

Nasa bag ko palagi ang aking kamera (ang una ay Olympus stylus at simula noong September 2010 nabiyayaan ako ng Canon IXUS i20). Parang ang lahat ko na makita sa aking paligid ay photo object. Kung ako ay titingala andyan ang pinakamalawak na langit. I am a sky lover (any hue)kaya siguro 1/2 sa aking mga saved photos ay mga litrato ng ulap/langit. Kung ako ay titingin sa baba, merong mga maliit na bagay na minsan di na napapansin ng mga tao at nakikita ko yon at kinukuhaan ko ng litrato. Sabi ng iba kung kaibigan baliw daw ako kikukuan mga pangit or walang kwenta na bagay.

No! Sa akin, lahat na bagay ay pwede kuhaan ng litrato. kahit munting bato pwede na. Itong nasa lahok ko ay isang miniature na mushroom sa isang hardin na napabayaan na. I think this is a macro shot.

A Photo for:


i

Friday, December 10, 2010

LP - Gitna (Middle)

Magandanga Huwebes sa lahat!



--paki click sa litrato para makita nyo ang original na size
at mas maganda tingnan ang mga multo --


Ang litrato na ito ay kuha ko noong huling araw ng October ng gabi. Gusto ko magpractice paano gamitin ang long shutter ng camera. Di lang ako, pati rin yong mga kasamahan ko. Kaya para magandang ilaw ang kuha namin, lumabas kami ng Paseo del Mar at pumasok kami ng Lantaka Hotel para makunan ang magandang ilaw ng Paseo del Mar. Di kaya pwede pumasok dun kung di kumain kaya ang mga long shutter trial shots namin ay napakamahal. :)

Paulit ulit akong kumuha gamit ang feature at di talaga maganda ang kuha dahil di ko mahanap kung saan e adjust ang aperture at wala akong tripod. Kaya yan ang resulta ng walang tripod. Ang mga ilaw ay naging makulay na multo na lumalakad sa gitna ng dagat. :)

Btw, ang litrato na yan ay SOOC (straight out from the camera) at resize ko lang ng kunti para ma upload ko dito.

Maligayang Desyembre sa lahat!


A Photo for:


Thursday, October 21, 2010

LP - Tahimik (Quietness)

Photobucket

Tahimik na lugar.
Nakatingin sa malayo.
Nag-iisip.
Ang isip ay nasa malayo.

Isa it sa paborito ko na litrato ng aking anak. Ang mensahe - siya ay tahimik dahil siya ay nag nag-iisip. Ano kaya ang kanyang iniisip? Gusto ko sana malaman. Di ko man lang natanong kasi alam ko naman na kung tanuning ko sya di naman ako sagutin.





A Photo for:


Thursday, October 14, 2010

LP - Private {Pribado}

Magandang Huwebes sa lahat!


Ang mga litrato na lahok ko ngayon ay magbigay sa inyo ng sulyap kung ano ang itsura at laman sa bagong pribado (private) na kuarto sa Mindanao Sanitarium at Hospital. Ito ay makita sa ikatlong palapag ng Annex building.







Isa ito sa mga yellow rooms. I think the best room especially at dusk. Sa isang kuarto ay merong dalawang kama, telepono, TV na merong cable connection, a visitor's bench and center table, at ref. Oh merong din syang CR. :) Feel ko hotel room na sya. Lahat na kuarto ay airconditioned. Sa ngayon ang rate ng isang kuarto ay 2,100.00 sa isang araw. Mahal pero comportable naman.




A Photo for:


Wednesday, September 29, 2010

LP - Manipis (Thin)

Maligayang Huwebes sa lahat! Ang bilis ng panahon at ito naman ang pinakahuli na Huwebes sa buwan ng Oktobre.

Ang aking lahok sa araw na ito ay isang layer ng chocolate cake ni Dobbie. Dahil birthday niya, binisita sya ng kanyang mama noong Sunday at dinalhan siya ng cake at lechon manok. Dinagdagan niya ang lechon at inimbita nya lahat roommates niya at ung mga former roommates niya na nakatira na sa labas, at ilan sa mga kaibigan nya na mga lalakwe. Sa aming kusina sila kumain kaya naimbita din kami ni Mam Jaydee.

Ang cake na ito ay kinain sa pinakahuli na banda. Dahil maliit lang ang cake pero lahat ay nakakain ng manipis na slice. Just enough to taste the sweetness.



Pero para sa akin at iba dyan na malaki at mataas na ang level ng sugar, dapat ay sobrang manipis lang ang kainin nito or kung pwede hindi na kakain ng mga pagkain na ganito.

A Photo for:


Friday, September 24, 2010

LP - Makapal [thick]

Maligayang LP sa lahat! Due to connection issues ngayon ko lang ito pwede ma post. Kahapon ilang beses ko talaga inulit pero di kinaya ng connection. Buti ngayon it looks like it's going to be saved. :)

Happy LP sa lahat!

Iniisip ko kung kelan kaya ninipis ang libro na mga ito. :)

Ang libro na ito ay may kapal na 4-5 inches. Buti nalang hindi ito study book or else gigibain siguro ng mga estudyante para komportable hawakan.




A Photo for:


Thursday, September 16, 2010

LP - Dalawa {Two}


Litrato ni dimple noong dalawang buwan pa lang siya.

Isa ito sa mga litrato na kung aking sinusulyap ay makafeel ako ng guilt dahil ito ang panahon na iniwan ko siya at lumakbay ako sa ibang lugar para magtrabaho para siya ay mabuhay. Tanda ko pa na pagkatanggap ko sa mga litrato padala ng LBC ako ay umiyak na parang ang aking dibdib ay sumabog.

It was a painful experience leaving her at my mom's care. Not that i don't trust my mom but babyhood times should have been spent with me.

Iniwan ko sya noong di pa siya ng dalawang buwan at nagkita kaming dalawa ulit noong anim na buwan na siya.




A Photo for:


Wednesday, July 28, 2010

LP: Gusto/Ginusto {To Like/ To Desire}

Magandang Huwebes sa lahat!

Am glad to join the wagon this week. Sorry for missing a couple of weeks.

Here's my entry for the theme:

Kung tanungin nila ako kung ano ang gusto ko kainin sa oras na ito - sabihin ko talaga ALL OF THE ABOVE! Pero kung dalawa lang ang pwede na choices so CHICn'fILLET at ang CRISPY FRIES. Pwede dalawang serving ng fries?


Pero alam ko naman na kahit anong wish ko nito ay di matupad dahil walang KFC outlet dito sa lugar namin. Kung gustuhin ko talaga gagastos muna akong ng 200 hundred pesos pamasahe para makain ko ang burger and frice na yan.

Hmm lalo na akong nagugutom habang ginagawa ko ang post na ito.

PhotobucketAlign Center


Happy LP sa lahat!

A Photo for:


Wednesday, July 7, 2010

LP - Disiplina [Discipline]

Dapat bawat tao ay matuto mag recycle. Dapat tayo ay maging disiplina sa pag manage ng ating mga basura sa ikabubuti ng ating kalisan.

Photobucket

Ang litrato na ito ay kuha sa underground ng NPC at kahit wala masyado tao dun kailangan pa rin na ang mga basura nila kung meron man ay naka segregate sa dapat na lalagyan.

Kung ganun sa mga kompanya o opisina natin, dapat yan din ang gawin sa mga bahay natin. Kung ang tao ay talagang disiplinado - kahit saan man sya magpunta di diciplinado pa rin sya.

~~

One way to show to the community that you are a discipline person, you have to learn how to do recycling. We should be responsible people even in the disposal of our garbage. This is one way to help conserve our mother earth.

Photo taken at the underground office of National Power Corporation (Agus 4).


A Photo for:


Wednesday, June 30, 2010

LP - Teknolohiya {Technology}

Maligayang Huwebes sa lahat!

Namimiss ko ang LP sa mga nakaraan na linggo dahil wala akong ma e share na mga litrato para sa tema. Buti nalang technology ang tema ngayon kaya heto ang lahok ko:

Photobucket

Kung walang teknolohiya sigurado akong walang moderno na amusement park saan man sa mundo.

Photobucket

English Translation:

If technology does not exist for sure there will be no modern amusement parks anywhere in the world. Photo taken at Gloria's Fantasy Land in Dapitan City.


Photos for:


Thursday, June 10, 2010

LP - Pag-asa [Hope]

Photobucket

Ang pasko ay okasyon na tayo ay di dapat mawalan ng pag-asa dahil ito ay nag symbolo sa pagsilang ni Jesus. Ang kapanganakan ni Jesus ay nangahulugan ng pag-asa. Pag-asa na meron tayong buhay na walang hanggan.

Photo for:


Thursday, May 27, 2010

LP - Bilang o Numero {Numbers}

Magandang Huwebes sa lahat!

Ang aking lahok ay iilan sa mga litrato ko na merong mga numero. Para maintindihan natin kung paano natin sila gamitin o kung ano ang kanilang role sa isang companya, kailangan marunong tayo mag bilang at magbasa ng numero.

Photobucket


Photobucket


Photobucket



Ang lahat na ito ay kuha ko sa loob ng

Photobucket

Agus 4 & 5 Complex last year.


Photos for:


Wednesday, May 12, 2010

LP - Estranghero {Stranger}

PhotobucketAlign Center

Hindi ko sila kilala. Hindi rin nila kami kilala. Pero sila ay lumalapit sa amin habang kami ay nag eenjoy sa aming nakita habang nakatayo sa Overview (situated between Bukidnon and Davao boundary). Hindi ko na maalala kung ano ang aming pinag-usapan pero ako ay sigurado na tinanong ko sila kung pwede ko ba sila kunan ng litrato. Nagbigay sila ng oo at sabi ko "smile" at hayan ang binigay nila na ngiti para sa isang estranghero na katulad ko.

ENGLISH DESCRIPTION OF THE PHOTO ~~

I had this photo taken while me and companions were enjoying the view seen while standing at the Overview deck located at the boundary of Davao and Bukidnon.

These girls were natives of the place and they are used to coming near to tourists when tourists drop by. I cannot remember what we were talking about but i was sure that i asked them if i can take their photo. They nod for yes and that's the smile and look they gave for a stranger.

While browsing for the right photo for the theme this week - i thought of this and looking closely now, i can caption the photo with the "EAGERNESS AND APPREHENSION." Check out their smiles. The smiling girl i bet was looking at my other companion who is also making a shot at them. Maybe she's thinking id have to smile nicely for him because he is carrying a big thing. (Sir Bob was carrying a DSLR while i only had a point and shoot one) lol!

Photo taken October 2008
Traveling back to Iligan from the MBS2 via Davao City.



Photo entry for:


 

PHOTO BLOG | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates Make Money Online