Dalawang gusali ang nakikita nyo sa litrato na ito. Sa iyang kaliwa ay partly simbahan at mga silid aralan ang bandang kanan ay ang nursing building kung saan matagpuan ang opisina ng nursing dept, nasa 3rd na palapag ang library, at sa 4th na palapag ay ang bagong Med Tech laboratory. Dito ako nagtatrabaho sa gusali na ito.
Ito ay ang domitoryo ng mga lalaki pero sa unang palapag nyan ay ang Minimart ng ospital.
Ito ang pinakabagong gusali sa campus ng Mindanao sanitarium and Hospital. Tawag nito ay ANNEX building. Ginamit ang gusali na ito simula noong isang taon. Unang palapag ay mga opisina. Sa ikalawang palapag ay patient's room (Suites), ang ikatlong palapag ay ginawa na silid aralan pansamantala, ang pang-apat na palapag ay dormitoryo ng mga babae, panglima na palapag ay bakante pansamantala at ang pang anim ay ginamit namin para sa mga social na programa.
Ito ang main na gusali ng ospita (front). Yong nasa likod ay ang front view sa Annex na gusali. Ang lugar na ito ay habang buhay parte sa aming pamilya dahil lahat anak ng aking ina ay dito isinilang. Dito ko rin isinilang ang anak ko. Dito nag tatrabaho mama ko simula dalaga pa sya hanggang sya ay nag retiro. Dito din sila nagkita ng ama ko kaya sila ay naging mag-asawa. :D Kaya pangarap ko na sa paglaki ko ay makatrabaho ako dito sa ospital na ito. :) Nakita ko ang pag grow sa insitosyon na ito at sa ngayon masabi ko talaga na it has really grown big.
Take note -- if gusto nyo kami puntahan at di nyo alam address namin, huwag nyo lang kalimutan ang lugar na ito. (wink) Makakarating talaga kayo sa amin. :)
So yan lang muna kasi marami pa akong puntahan at bisitahin na gusali sa
LP.
Salamat sa bisita dito! Happy LP!